Local News

Umutang na, Kumita pa? Lopez, Kumita pa sa DBP Loans ayon sa Malacañang!

Sa kaniyang press briefing, ipinakita ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang isang infographic kung paano kumita ang Lopez Family sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Ayon sa kalihim, umutang ang Lopez group ng 1.66 billion sa DBP. Hindi nabayaran ang utang at na-waive ang interest at collateral nito. Dahil hindi na masingil ng DBP ang mga Lopez, ibinenta ng bangko sa kumpanyang Lehman Brothers ang utang sa halagang P668 million – 1.06 billion.

Binili naman ng Lopez group ang utang sa Lehman Brothers ng P1.25 billion to P1.4 billion. Kaya kumita daw ang mga Lopez ng P250 million – P417 million. Kaya nalugi daw ang pamahalaan ng P598 million to 999 million.

“Magkano po ang pagkakabili nila? P1.250 billion to 1.4 billion, diumano. So ang suma total po, ang gobyerno, sa pamamagitan ng DBP, ang pagkakalugi ay P999 million to P598 million; ang Lopez family, ang kita nila ay P250 million to P417 million… Dapat pag-aralan ngayon ng Ombudsman itong ganitong sistema kung saan ang isang kumpaniya na hindi nalulugi ay naibenta ang kaniyang pagkakautang sa isang SPV sa isang mas maliit na halaga at binili iyong mga assets na ginamit para i-secure itong pagkakautang na ito sa mas maliit din na halaga. Ito ba ho ay tama? Ito ba ho ay makatarungan o ito ba ho ay ethical? Dapat ba ho ipagpatuloy ito?” sabi ni Spox Roque.

Source: Manila Bulletin | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén