Local News

UN Special Rapporteur Callamard, Nagbanta sa Duterte Government?

Para Human Rights expert and United Nation (UN) Special Rapporteur Agnes Callamard, posibleng may kahinatnan ang gobyerno ng Pilipinas kung hindi nito tatanggapin ang resulta ng imbestigasyon ng United Naton Human Rights Council (UNHRC).

“The cause can take many shapes. It can be sanctions. It can be related to the developmental assistance. It can be symbolic, it can be economic, it can be political,” sabi ni Callamard.

Sinabi ito ni Callamard matapos magkabotohan sa resolusyon na inihain ng bansang Iceland sa UNHRC kung saan 18 bansa ang bumoto pabor na imbestigahan ang kampanya kontra-droga ng Duterte Administration. Kailangan tandaan na 14 na bansa ang hindi pabor sa isinusulong ng Iceland at may 15 na bansa din na nag-abstain sa pagboto.

Resbak naman ng tagapagsalit ni Presidente Rodrigo DUterte kay Callamard, walang kapangyarihan ang UN na magbigay ng sanctions sa Pilipinas. Ang tanging pwede lang daw magbigay nito ay ang mga bansa tulad ng Estados Unidos, Tsina at Russia.

“UN is not a country. Unless it is like America that can impose sanctions on trade. UN is just an international organization of countries,” buwelta ni Presidential Spokesperson Panelo.

Magugunita na nagbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte na sasampalin niya si Callamard kung iimbestigahan daw siya nito noong 2017.

“Kaya sabi ko kay Callamard, kung imbestigahin mo ako, sampalin kita. Paano, how can I get a fair hearing if you yourself (do) not even read the publications of your mother organization, United Nations?… Di ko naman memorized because I hate her, iyong rapporteur. Ayokong i-pronounce iyong pangalan niya. Nagdala siya ng itim, black doctor daw siya. Nagsabi daw on TV, ‘You know, use of drugs is harmless.’ Sabi ko pu****-***** ‘to,” banat ng Pangulo.

Source: CNN Philippines | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén