Local News

UN Human Rights Council, Walang Kuwenta at ‘Di Kayang Magpakulong – Ex-Spokesperson Roque

Para sa international law expert at former Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi dapat pag-abalahan ng oras ng pamahalaan ang resolusyon na inihain ng bansang Iceland sa United Nations Human Rights Council (UNHRC). Magugunita na pinangunahan ng Iceland ang resolusyon na mag-iimbestiga sa kampanya kontra-droga ng Administrasyon Duterte. Sa nangyaring botohan, 18 ang bumoto pabor sa imbestigasyon kasama ang Mexico, 14 ang hindi sumang-ayon kasama ang China at 15 naman ang nag-abstain kasama ang Japan.

Ayon kay Roque, ang UNHRC ay hindi hukuman kaya wala itong kapangyarihan na magpakulong. Ang tungkulin laman daw ng UNHRC ay tignan kunf sumusunod ang mga miyembrong bansa ng UN sa tratado.

“Hindi natin dapat pag-aksayahan ng panahon ‘yan. Ang Human Rights Council ay walang kapangyarihan ‘yan. Yan po ay hindi husgado, hindi gaya ng ICC na puwedeng magpakulong. Yan po, ang kanyang katungkulan lamang ay imonitor kung talagang tumutupad sa tungkulin ang mga bansang miyembro ng United Nations,” sabi ni Roque.

Ikinumpara din ng dating tagapagsalita ng Presidente sa isang tigreng walang pangil ang UNHRC. Banat pa ni Roque, may mga gobyerno na namumugot ng ulo pero walang nagawa ang UNHRC.

“Walang kuwenta po, hindi dapat pag-aksayahan ng panahon. Toothless tiger po ang UNHRC, ‘yung mga bansa na namumutol ng ulo ay hanggang ngayon walang nangyayari sa kanila. Etsapuwera po natin ‘yan dahil napakaliit ng mga bansang gustong maimbestigahan ang drug war sa Pilipinas,” paliwnag pa ni Roque.

Nilinaw pa ni Roque, walang magagawa ang mga taga-UNHRC kung hindi sila papayagan ng Duterte Government na magsagawa ng imbestigasyon sa Pilipinas.

“Matagal nang gustong pumasok si Callamard, kaya ganyan ang sitwasyon ngayon. Maski sila magpilit, wala silang moral authority. Walang kapangyarihan ang UNHRC na piliting papasukin ang kanilang imbestigador hangga’t hindi natin gusto dahil ‘yan ay nakasaad sa kasunduan ng mga miyembro,” dagdag ni Roque.

Kahapon ay binanatan ni President Rodrigo Duterte ang Iceland dahil sa pag-endorso ng resolusyon sa UNHRC.

“Anong problema ng Iceland? Ice lang. That’s your problem, you have too much ice, and there is no clear day or night there… You can understand no crime, there is no policeman either and they just go about eating ice… Itong mga g*go, you don’t understand the social, economic, political problems of the Philippines,” banat ni Pangulong Duterte.

Source: Abante

Leave a Reply

Theme by Anders Norén