Local News

UN Rights Council, Iimbestigahan ang War on Drugs ni DU30?

Nagkabotohan na sa United Nations Human Rights Council para sa pagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa giyera kontra-droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa resolusyon na pinangunahan ng Iceland, 18 bansa ang bumoto pabor sa imbestigasyon. 14 naman ang hindi sumang-ayon dito. Habang 15 ang nag-abstain.

Ang bansang bumoto pabor sa imbestigasyon ay ang Argentina, Austria, Australia, Bahamas, Bulgaria, Crotia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Iceland, Italy, Peru, Mexico, Slovakia, Spain, Ukraine, UK at Uruguay.

Ang mga hindi naman pabor ay ang mga bansang Bahrain, Cameroon, China, Cuba, Egypt, Eritrea, Hungary, India, Iraq, Philippines, Qatar, Saudi Arabia at Somalia.

Ang mga nag-abstain naman ay Bangladesh, Brazil, Burkina Faso, Chile, Congo, Japan, Nepal, Nigeria, Pakistan, Rwanda, Senegal, South Africa, Togo at Tunisia.

“We have put forward a balanced text with a very modest ask – simply requesting the High Commissioner to prepare a report for discussion by June next year,” sabi ni Iceland’s ambassador Harald Aspelund.

Sa kanyang panayam sa media, nagbigay ng reaksyon ang Pangulong Duterte sa naganap sa UN.

“Let them state their purpose and I will review it… Kasi kung magdagdag lang sila sa intriga (if they will just add to the controversy), they better go to the media and the media will tell them the truth. Eh ipalabas ninyo ‘yung footages ninyong lahat and all, and that will clear everybody,” reesbak ng Pangulo.

Basahin ang komento ng ilang kababayan natin sa naging takbo ng botohan sa UN mula sa social media page ng News5.

“Hiyang hiya naman ako sa Mexico,” sabi ni Albert Egot.

“true !clean your own country..and Mind your own bussiness…We love tataydigong…,” sabi ni G. Pfrancisco.

“None of your business to all countries who voted for investigation , our justice system functions independently and based on opinions mostly all Pillpinos living or working abroad love PRRD and they favor or approved the war on drugs,” sabi ni G. Perez.

“80% of Filipinos approve the performance of PRRD. We know what is best for our country. UNHRC, keep your hands off. Iceland, mind your own business,” sabi ni B. Singanon.

“Para sa akin mabuti na rin un para malaman nila na ang programa kontra droga ay suportado ng nakararaming mamayan taliwas sa mga report ng mga kalaban..,” sabi ni R. Cortez.

Source: News5 | GMA News| ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén