Local News

Unahin ang mga Kongresista sa COVID Testing – Congressman Datol

Sa gitna ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (covid-19) sa ating bansa, gusto ng isang kongresista na unahin sa testing ang mga mambabatas na tulad niya.

Para kay Senior Citizens Party-list Rep. Francisco Datol, ang pagbibigay ng prayoridad sa mga kongresista ay para masigurado na magagamapanan nila ang kanilang tungkulin sa panahon ng pandemiya. Hinalintulad niya pa ang kanilang trabaho sa kongeso sa boxing.

“Dapat po mauna tayong ma-test — mga congressman, congresswoman, empleyado ng Congress. Lahat naman po tayo nagbabayad ng PhilHealth… Ang hiling ko sana, kung yung testing na yan ay maaaprubahan, unahin natin ang ating mga colleagues at mga empleyado… Siguro po mga nasa almost 5,000 tayo… Kung pupunta tayo sa Kongreso ngayon, yung 25 araw-araw na nasa plenary, ang nakikita ko po parang boxing…tayo mga boksingero, ang kalaban natin hindi nakikita. Hindi po natin alam ngayon kung sino na ang may karamdaman sa atin,”sabi ni Congressman Datol

Sinabi ito ni Congressman Datol habang tinatalakay sa kongreso ang House Bill 6707 o ang “Crushing COVID Act”, na naglalayon na isailalim sa testing ang lahat ng mga magbabalik trabaho na may pre-existing condition at ang mga papasok sa Pilipinas mula sa ibayong dagat.

Nitong Martes ay sinabi ng Department of Health na nagsasagawa na ang gobyerno ng expanded targeted testing para sa mga taong nagpapakita ng sintomas ng covid-19 at ang mga na-exposes sa mga nag-positibo sa sakit. Iginiit naman ng Palasyo na imposible na makapagsagawa ng mass testing.

Source: CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: