Local News

‘Unfair sa Kapulisan ‘yan’ Mayor Isko, Nagsalita sa Negatibong Komento ni Leni sa Drug War!

Kahapon ay binulalas ni Vice President Leni Robredo ang kanyang diumno’y natuklasan sa anti-drug campaign ng pamahalaan noong siya ang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). Ayon sa bise Presidente, palpak daw ang kampanya kontra-droga ng gobyerno at “1 out of 100” daw ang grado nito.

Ang pahayag na ito ni Robredo ay kinontra ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Ayon sa Alkalde ng Maynila, hindi patas sa kapulisan na nagbubuwis ng buhay ang mga sinabi ni Robredo.

“Unfair naman sa enforcement unit who are putting their life on the line. They are willing…We have to be very careful with this kind of statement because it might demoralize them,” sabi ni Mayor Isko.

Hindi rin daw biro ang problema sa droga at ang paraan para malinis ang isang barangay sa naturang salot.

“It is not being denied, the mass problem, kundi, kinonfront pa. Hindi ‘yan biro. Ang problema sa droga ay noon pang dekada setenta… There are parallel agencies who certify a particular barangay that is clear (of illegal drugs). It is hard to achieve especially in Manila,” banat pa ni Mayor Isko.

Nagbigay din si Mayor Isko ng halimbawa kung saan maayos naman ang ginawang operasyon ng kapulisan laban sa droga.

“In terms of ratio, makikita mo ang risk ng enforcement unit. Biro mo, buhay ang 17 at may namatay na dalawang suspect. So that’s why I can honestly say fair naman ang operation,” dagdag pa ng Punong Lungsod.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: