Local News

UP Students, Nagkasa ng Walkout sa Agosto 20 para Tutulan ang Presensiya ng Pulis sa Paaralan

Magsasagawa umano ng walkout sa susunod na Martes, Agosto 20, ang ilang estudyante ng University of the Philippines (UP) upang tutulan ang presensiya ng mga kapulisan at sundalo sa mga paaralan.

Ang naturang pagkilos ay idineklara matapos ang senate hearing tungkol sa mga “nawawalang” kabataang umanib sa leftist group na Anakbayan. Sa naturang pagdinig, inilutang ang panukalang pagpapanumbalik ng anti-subversion law. Sa naturang batas, gagawing kriminal ang mga matutuklasang miyembro ng Communist Party of the Philippines.

“This memorandum summarizes how alarmed the UP students, faculty members, and officials are by the proposals given by the military because for us it will affect the way we conduct our classes, our organizations and ultimately our academic freedom inside the university,” sabi ni John Isaac Punzalan, Office of Student Regent.

Para kay Punzalan, magiging daan lang daw ang pagpapakalat ng mga pulis sa mga eskwelahan ng paniniktik sa mga pumupuna sa administrasyon.

“Ito (Anti-Subversion Law) po ay magdudulot ng malawakang surveillance and monitoring sa ating mga estudyante, organizations, faculty members, even UP Officials, lalong lalo na po dun sa mga vocal sa ating panawagan sa ating mga kritisismo sa current administration,” ani Punzalan.

Ayon pa kay Punzalan, hindi na raw bago ang mga akusasyon ng mga pulis at militar na mayroong mga recruitment ng rebel communist sa mga state universities.

Nanawagan din si Punzalan sa mga kapwa niya mag-aaral at pati na rin sa mga guro na sumama sa kanilang pagkilos.

“Ang gusto rin po namin kasabay po ng pag walkout ng mga estudyante, pagtigil ng mga professors sa kanilang pagturo muna, ay nandun ang panawagan na ang ganitong klaseng sakripisyo na mag-allot ng ganitong oras ay para sa academic freedom,” boladas pa ni Punzalan.

Isa sa mga rason kung bakit gustong magtalaga ng alagad ng batas ng gobyerno sa mga eskwelahan ay para supilin ang ginagawang recruitment ng mga komunista sa kabataan para sumali sa armadong pakikibaka laban sa pamahalaan.

Sa isang video na lumitaw kamakailan, maririnig ang spokesperson ng leftist youth group na si Kara Taggaoa na pinagmamalaki ang pagiging New People’s Army ng mga alumni ng state universities.

“Sinabi niya (Duterte Youth Ronald Cardema) na sa amin nanggagaling ang maraming kabataan na nag-e-NPA. Una sa lahat, proud kami na ang aming mga alumni ay naging NPA,” sabi ni Taggaoa, spokesperson ng League of Filipino Students (LFS).

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: