Local News

“UPHOLD HUMAN RIGHTS!” Mga Artista, Kinontra ang Anti-Terrorism Law!

Nitong nagdaang araw ay naging laman ng balita ang pag-certify as urgent ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa anti-terrorism bill.

“(Speedy passage aims to) address the urgent need to strengthen the law on anti-terrorism in order to inadequately and effectively contain the menace of terrorist acts for the preservation of national security and the promotion of general welfare,” sabi ng Pangulo.

Sa nasabing panukala, ang sinumang tao na magbabanta o mang-uudyok ng mga gawaing terorismo ay pwedeng makulong ng 12 years.

May ilang artista ngayon ang tumututol sa nasabing panukala at ang isinisigaw na naman ay karapatan pantao.

“JUNK THE ANTI-TERRORISM BILL AND UPHOLD HUMAN RIGHTS!” sabi ng aktress na si Janine Guttierez.

“Only cowards are afraid of dissent,” boladas naman ni Agot Isidro na kilalang kritiko ng Duterte Government.

“Ano yung tamang paraan ng pag-rally ngayong GCQ [general commnunity quarantine]? Gawin ko na bago ipasa yung anti-terror bill kasi kayang kaya na nila ako ikulong kong trip nila,” patutsada naman ni Enchong Dee.

Ipinaliwanag naman ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na wala raw kailangan ipangamba ng mga tao dahil hindi naman ito gagamitin sa political opposition at progressive groups. Ang karamihan din daw sa mga nag-iingay laban sa panukalang batas ay mga rebeldeng komunista at mga ka-alyado nito.

“What these detractors, mostly Reds and their allies, have done is to pick some provisions and add their own interpretations to scare people. People need not fear. The proposed law has safeguards of civil liberties and sanctions to law enforcement agencies… This bill was deliberated lengthily by both Houses and all sectors were invited as resource persons during these deliberations. All sides were heard… My comment on those opposing this measure is that their opposition is baseless as there are sufficient provisions protecting people’s rights and there are penalties and punishments for law enforcers caught abusing the law. Our people have nothing to fear,” paglilinaw ni Lorenzana.

Panoorin ang paliwanag ng abogado na si Atty. Trixie Cruz-Angeles tungkol sa nasabing panukalang batas.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: