Local News

“US Ban sa Nagpakulong sa akin, ‘Wonderful Christmas Blessing'” – De Lima!

Para sa nakakulong na Senadora Leila De Lima, ang US Ban sa mga Filipino Government Officials na responsable sa pagkakakulong niya ay maituturing niyang “wonderful blessing”.

“This latest development signals the fact that impunity cannot last and that one way or another, justice will catch up with those who choose to do injustice to others,” sabi ng nakakulong na senadora.

Ang United States 2020 Appropriations Bill kung saan may nakasaad na i-ban ang mga Filipino Officials na nagpakulong sa kanyan ay pagkilala daw ng pagiging biktima niya ng political persecution.

Ayon pa kay De Lima, lumalaban na raw ang human rights. At konting panahon na lang daw ang hihintayin bago sumunod ang ibang bansa na sumunod sa hakbang ng Estados Unidos.

“It is only a matter of time before the European Union, Canada, and other nations follow suit in imposing sanctions on Duterte, his officials and their cohorts. Human rights is fighting back! Accountability is coming! A most wonderful Christmas blessing! Thank you, US! Thank you, dear God,” dagdag pa ni Senadora De Lima.

Nitong Oktubre lang ay naglabas ng inisyal na listahan si Senadora De Lima ng mga personalidad na sinisisi niya sa kanyang pagkakakulong. Ilan dito ay sina President Rodrigo Duterte, Presidential Spokesperson and Chief Legal Counsel Salvador Panelo, Solicitor General Jose Calida, former Justice Secretary Vitaliano Aguirre, at blogger Mocha Uson.

Base sa pahayag ng chief of staff ni De Lima na si Atty. Fhillip Sawali, ilan daw sa nakasaad sa resolution ay ang pag-freeze sa mga ari-arian ng mga nagpakulong kay De Lima.

“Sabi doon, the whole gamut of Global Magnitsky Act sanctions — not just travel ban, gawin din natin [‘yung] asset-freezing… sa mga property… Not only should government officials, persecutors of Senator De Lima be banned from travelling to the US, but their assets located in the United States should be frozen, should be blocked,” sabi ni Sawali.

Source: Philstar | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén