Local News

US Senator, Sinabihan ang DU30 Govt na Palayain si De Lima Imbes na I-Deny ang Visa ng mga Amerikano!

Itong huling bahagi ng Disyembre ay inanunsyo ng MalacaƱang ang pag-ban sa mga Amerikanong Senador na makatungtong sa Pilipinas. Ito ay sagot sa panukala na huwag payagan makarating sa Estados Unidos ang mga Filipino Government Officials na responsable sa pagkakakulong ni Senadora Leila De Lima.

“The President is immediately ordering the Bureau of Immigration to deny US Senators Dick Durbin and Patrick Leahy, the imperious, uninformed and gullible American legislators who introduced the subject provision in the US 2020 Budget, entry to the Philippines,” sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo .

Dagdag pa ng Palasyo, kakailanganin na ng mga Amerikano na mag-apply ng visa kung sakaling ipatupad ng Estados Unidos ang ban.

Ilang araw matapos ang deklarasyon, umangal ang isa sa mga Amerikanong mambabatas na apektado ng ban.

Sa isang, iginiit ni Senator Patrick Leahy na palayain si De Lima imbes na pagabawalan ang mga American Citizens sa Pilipinas.

“Rather than responding by irrationally threatening to deny visas to American citizens, the Duterte government should either release Senator De Lima immediately or provide her the fair, public trial she is entitled to,” boladasni Leahy.

Magugunita na kasama si US Senator Richard Durbin, isa si Senator Leahy sa nagpanukala ng batas para i-ban sa Amerika ang mga Filipino Government Officials na may kinalaman sa diumano “wrongful imprisonment” ni De Lima.

Boladas pa ni US Senator Leahy, kailangan daw kilalanin ng Duterte Government ang Rappler CEO na si Maria Resa dahil sa pagiging magiting na Pilipino.

“a courageous Filipino exercising her right of free expression rather than trying to silence a journalist who has bravely dared to expose official corruption and abuse,” dagdag pa ni US Senator Leahy.

“I have always stood up for the right of journalists to report the news in the United States and around the world and no one can force me to stop standing up for their rights,” sabi pa ni Leahy mula sa kanyang social media account.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén