Local News

‘Uubusin ko iyan!’ Anti-Communist Poster, Pinabaklas ni Mayor Isko!

Kung ang national government ay todo ang kampanya kontra sa mga rebeldeng komunista, iba naman ang naging hakbang ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Magugunita na naglipana ang mga anti-communist tarpaulisn sa kalakhang Maynila pero hindi nagustuhan ni Mayor Isko ang mg aito. Ayon sa alkalde, hindi raw napapanahon ang mga tarpaulins.

“Huwag niyo na po ilagay sa Maynila ‘yan Uubusin ko po iyan.

May directive na po ako sa DPS na tanggalin ang mga tarpaulin na ito. ‘Di po natin kailangan ang mga ito sa gitna ng pandemiya. Dapat magkaisa po tayong mga Pilipino,” sabi ni Mayor Isko.

Pinalagan naman ni Lt. General Antonio Parlade ang naging hakbang ni Mayor Isko. Buwelta ng army official, takot lang daw ba ang alkalde sa magiging ganti ng mga militanteng grupo.


“I dont know who ordered it and Im not privy to latest decision of NTF ELCAC on this. But, why not? 96 cities nationwide already declared the CPP NPA as PNG so my question really is WHY JUST NOW in MManila? Why would even Manila order the removal of this tarps? Is Mayor Isko welcoming this terrorist? Lets clarify from Yorme the basis for his action? Is it fear of retribution?

Lets take a look at the leadership of Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. From Pres down, mostly Gabriela and staff of Taguiwalo booted out of DSWD. Who has the appointing power and authority in this university?

Yes, Mayor. Lets give peace a chance in Manila. Keep the terrorist CPP NPA NDF out of it,” ani ni Parlade.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén