Local News

Vendors na Ide-demolish, Halos Makipagsuntukan Na!

Nauwi sa gulo ang pagpapa-demolish sa mga pwesto ng vendors sa Carriedo sa Maynila. Ang mga vendors na mayroong iringan sa isa’t-isa ay nagkasagutan at tulakan. Muntik pang magpalitan ng kamao ang ilan dahil sa clearing operationsng taga-barangay sa lugar.

Dahil sa pagpalag ng mga vendors, itinigil pansamantala ang operasyon ng otoridad .

Ayon sa ulat ng GMA News, kinuwestiyon ng isang pangkat ng vendors ang ginagawa ng mga barangay officials sa kanila. Ang reklamo nila, pinag-iinitan daw sila ng mga taga-barangay habang ang ibang grupo ng vendors ay malayang nakakapagtinda at tila pinapaboran pa.

Pinasinungalingan ng naman ng kabilang grupo ang akusasyon.

Ipinaliwanag naman ng mga barangay officials ng 307 na sumusunod lang sila sa diretkiba ng punong alkalde
ng Maynila na si Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso at walang katotohanan ang mga bintang ng mga vendors.

Sa huli, pinagbigyan ng mga taga-barangay ang hiling ng mga vendors na sila na mismo ang magde-demolish ng kanilang mga pwesto. Base sa ulat, hindi sumusunod sa utos ng barangay ang naturang pangkat ng vendors kahit limang beses na sila inabisuhan.

Naging laman ng mga balita si Mayor Isko dahil sa walang humpay na operasyon ng alkalde laban sa mga illegal vendors at mga organizers. Sa mga nagdaang mga araw, nakita ng mga kababayan natin ang naging pagbabago ng Recto sa Divisoria at Carriedo sa Quiapo matapos ipag-utos ng alkalde ang clearing operations sa lugar. Kung noon ay halos hindi na makadaan ang mga sasakyan, ngayon ay maayos na ang daloy ng trapiko sa mga nasabing kalsada.

Ayon kay Mayor Isko, mayroon daw nagtangka na suhulan siya ng P5 million kada araw para huwag lang pakialamana ang mga illegal vendors. Kamakailan lang ay ibinuyag din ng ilang opisyal ng Maynila na may mga nagbabanta na raw sa buhay ni Mayor Isko dahil sa pagbabago na ipinatutupad nito sa lungsod.

Source: GMA News

Leave a Reply