Local News

Veteran Actor at Ex-Batibot Host , Minura-mura ang Administrasyon!

Nanggagalaiti ang beteranong aktor na si Bodjie Pascua sa kasalukuyang administrasyon matapos sabihin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na bukas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa posibilidad na ipaggamit muli ang kontrobersiyal na Dengvaxia vaccines para sugpuin ang tumataas na kaso ng dengue sa Pilipinas. Nilinaw naman ni Panelo na kailangan muna nila ng opinyon ng mga eksperto bago suportahan ang pagbabalik ng nasabing bakuna.

Sa social media account ni Pacscua, pinaliguan nito ng mura ang mga taga-administrasyon dahil sa naging pahayag ni Panelo.

“Matapos nyong takutin ang mga tao laban dito. Di lumabas baho nyo… Parang inamin nyong bobo, inutil at walanghiya kayo. Na di malayong ilagay nyo sa panganib ang buhay namin para sa t*ng*n*ng pulitika nyo,” boladas ni Pascua sa kanyang Twitter account.

Hindi pa nakuntento si Pasqua at binanatan din niya sina Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Acosta, TV Patrol anchor Noli de Castro at mga taga-suporta ni Pangulong Duterte.

“Ano masasabi mo ngayon Persida? Ka Noli? Ano na DDS (Duterte Die-hard Supporters)?,” dagdag pa ni Pasqua.

Ang Dengvaxia ay binalot nang kontrobersiya noong huling bahagi ng 2017 matapos maglabas ang Dengvaxia manufacturer Sanofi Pasteur nang isang pag-aaral kung saan nakasaad na pwedeng lumala ang kondisyon ng isang pasyente na naturukan ng naturang bakuna kung hindi pa ito nagkakaroon ng dengue.

Mas lalong naging maugong ang kontrobersiya sa Dengvaxia dahil na rin sa naging pag-uulat ni de Castro kung saan naitampok programa nito ang paglalahad ni PAO forensics chief Dr. Erwin Erfe sa mga nangyari sa mga biktima umanno ng Dengvaxia.

Si Pascua ay naging host ng children’s educational television program na Batibot at nakilala sa tawag na “Kuya Bodjie”.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén