Local News

Veteran Actor Eddie Garcia, Nabalian sa Leeg!

Kahapon ay naging laman ng balita ang nangyari sa batikang aktor na si Eddie Garcia. Ayon sa mga napaunang ulat, inatake daw sa puso at na-comatose si Garcia habang nagte-taping sa kinabibilangan niyang bagong programa sa GMA 7.

Subalit, base sa lumabas sa pagsusuri ng mga doktor, nabalian pala sa leeg ang 90-anyos na aktor.

“The doctors ruled out heart attack and stroke as proven by several validating tests done in Mary Johnston hospital. He is in critical condition due to severe cervical fracture,” pahayg ng pamilya ni Garcia.

Sa kumalat na viral video, makikitang napatid si Garcia sa isang kable at saka tumumba habang nagte-taping ng eksena. Naunang dinala ang aktor sa isang ospital sa Tondo at kalaunan ay dinala din sa St. Likes Hopsital sa Quezon City.

Humihingi naman ng panalangin at dasal ang mga kaanak ng aktor mula sa publiko.

Si Garcia ay itinuturing na haligi ng Philippine entertainment industry. Marami na siyang ginanapang karakter, mula sa lead roles hanggang sa mga kontra-bida. Naging parte din siya ng iba’t-ibang klase ng pelikula. Mapa-action, fantasy, comedy at drama ay nagamit na ng aktor ang kanyang talento sa pag-arte.

Ang pinakahuling proyekto ni Garcia sa ABS-CBN ay ang hit teleserye na “Ang Probinsyano” kung saan gumaganap siya bilang isang drug lord.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén