Local News

Veteran Actor Eddie Garcia, PUMANAW NA!

Sa isang pahayag, ipinaaalam ng Makati Medical Center (MMC) sa publiko na sumakabilang buhay na ang batikang aktor na si Eddie Garcia sa edad na 90. Ayon sa medical bulletin #6 ng ospital, pumanaw ang aktor mga 4:55 ng hapon. Ang medical bulletin ay pirmado ni Patient Relation Department – Quality Management Division Division Head Dr. Artemio Cabrera Salvador.

Si Garcia ay nasangkot sa isang aksidente habang nagte-taping sa bago nitong programa sa GMA 7. Sa kumalat na viral video, mapapanood si Garcia na biglang tumumba habang kinu-kunan ang isang eksena. Kapansin-pansin sa video na napatid ito sa isang kable sa kalsada. Ayon sa ilang ulat, nabalian ang aktor sa leeg.

Panoorin ang inisiyal na ulat mula sa himpilang DZMM.

Kahapon ay pinangalanan si Garcia bilang Best Actor sa 2019 Gawad Urian para sa pelikulang “ML”.

Source: News5’s MJ Marfori | ABS-CBN | Philstar | One News PH

Leave a Reply

Theme by Anders Norén