Local News

VFA Issue: Amerika, Walang Natulong para Labanan ang Komunista sa Pinas – Duterte

Tukuyan ng tinuldukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Ito ay kahit pa naki-usap si US President DOnald Trump na huwag ibasura ang kasunduan.

“Si Trump pati yung (and the) others are trying to save the Visiting Forces Agreement. Sabi ko ayaw ko (I said I didn’t want to). One is that napaka bastos ng Amerikano. Talagang sobrang bastos (Americans are so rude. They’re really rude),” banat ni Pangulong Duterte.

Hindi nagustuhan ni Pangulong Duterte ang pagpupumilit ng ilang Amerikanong senador na palayain si Senadora Leila De Lima na nakakulong ngayon dahil sa pagkakasangkot sa kalakalan ng bawal na gamot. Hindi naman nakaligtas kay Pangulong Duterte ang mga Amerikanong Senador na kritiko ng kanyang kampanya kontra-droga.

“Imagine demanding the release of de Lima and the threat that we will not receive the aid at may (and there’s a) collatila that all persons that had a hand in the imprisonment of De Lima will not be allowed to go to the United States. What is there in America?… Tapos EJK. Wala man. Nagsabi pinatay ko daw. Sino man pinatay ko (And then extrajudicial killings. There’s none. They say I killed them. Who did I kill)?… Sinabi ko (I said) ‘do not destroy my country because if you destroy my country I will kill you’… Sumobra e (They went too far). So somebody has to remind them,” buwelta pa ni Pangulong Duterte.

Para sa Pangulong Duterte, hindi nakatulong sa paglaban sa mga rebeldeng komunista ang VFA.

“We’ve been fighting the communist for 53-years. Kung nakatulong talaga ang America, p*t*ng*n* naman hanggang ngayon (If they were really of help, why do we have this until now)?,” paliwanag ng Pangulong Duterte.

Ang pagbabasura sa VFA ay nag-ugat nang kanselahin ng Embahada ng Estados Unidos ang visa ni Senador Ronald “Bato” Dela Roa. Ang paniwala ng ilan, kinansela ng US ang visa ni Senador Bato dahil sa partisipasyon nito sa war on drugs ng Duterte Administration.

Source: Philippine News Agency

Leave a Reply

Theme by Anders Norén