Local News

Vice Ganda, Angel Locsin At Coco Martin, Suportado ang Leftist Group Bayan Muna!

Kung ang militar at ang pamahalaan ay todo ang information drive para ibulgar ang diumano’y koneksyon ng Bayan Muna sa teroristang New People’s Army (NPA), ang mga ABS-CBN talents na sina Vice Ganda, Angel Locsin at Coco Martin naman ay nagpakita ng suporta sa makakaliwang grupo.

Kinilala nina Vice Ganda at Locsin ang pagpupursige ng Bayan Muna para mabigyan ng prangkisa ang Kapamilya network habang ibinida naman ni Martin ang rights advocacy umano ng grupo.

Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, hindi nahirapan ang kanilang organisasyon na makakuha ng solidarity message sa mga big stars ng ABS-CBN.

“Ang mga members and officers ng Bayan Muna sa iba’t ibang mga chapter ng Bayan Muna ang nagrequest na hingan ng pagbati sina Coco Martin, Vice Ganda at Angel Locsin dahil nami-miss na ng karamihan sa kanila na makita sila sa free TV mula ng ibasura ng 70 congressmen ang prangkisa ng ABS-CBN… Karamihan kasi sa mga miyembro ng Bayan Muna ay di kayang magpakabit ng cable o di kaya naman ng internet… Sana ay makabalik na ang ABS-CBN sa free TV and radio at makapagtulungan pa sa Bayan Muna sa pagtatanggol sa katotohanan at karapatan ng mamamayan,” sabi ni Zarate.

Magugunita na hinamon ni Presidential Communication Operation Office Undesecretary Lorraine Badoy si Zarate na kundinahin ang NPA matapos ipanawagan ng Makabayan Bloc ang pagbibitiw ng opisyal.

Hindi naman kumasa si Zarate sa hamon ni Badoy.

“She’s not in the position to make demands. Gusto lang niya i-divert ‘yung issue. We will not take this sitting down. “Di natin mapapalagpas ‘yan because she’s putting lives in danger,” boladas ni Zarate.

Source: ABS-CBN | Abante

Leave a Reply

Theme by Anders Norén