Local News

Vice Ganda, Tatakbong Presidente Pag ‘Di Na-Renew ang ABS-CBN Franchise?

“Oo, Presidente agad… Siyempre ‘no, di nga tayo alam kung mari-renew, so magpi-Presidente agad para may work ako. Charot lang,”

Ganito ang pabirong banat ng komendyanteng si Vice Ganda sa programang “It’s Showtime” sa ABS-CBN nitong Hunyo 12 nang matanong siya ng co-host na si Jong Hilario kung may balak ba itong tumakbo sa politika.

Naging komento ito ng komedyante matapos mapag-usapan kasama ng Kaparewho contestant ang tungkol sa anti-fencing law.

“Ay nako, may balak ako, antayin niyo ako, President agad… Sabi ni Digong sa akin, ‘Pagkatapos ko, ikaw magiging presidente. Ako bahala,” biro ni Vice.

Ang panukalang batas para ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN ay nakabinbin pa rin sa kongreso noong pang Nobyembre 16, 2016 at ang prangkisa naman ng istasyon ay mapapaso sa Marso 2020.

Magugnitang may ilang pagkakataong nagbanta si Presidente Rodrigo Duterte na haharangin niya ang renewal ng franchise ng himpilan.

Source: Inquirer | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: