Local News

Video ng mga Tao sa Fast Food Matapos ang Barilan ng PDEA at Pulis!

Inilabas sa social media ang isang cellphone footage kung saan ay makikita ang ilang indibidwal na nasa loob ng isang fast food restaurant habang nangyayari ang enkwentro sa pagitan ng mga miyembro ng PNP at PDEA.

Matatandaan na nagkaroon ng misencounter sa pagitan ng PNP at PDEA, ngunit hindi pa malaman ang dahilan kung bakit hindi alam ng magkabilang panig na sila ay galing sa pwersa ng gobyerno.

Ayon sa ilang ulat ay hindi alam ng mga pulis na mga agent pala ng PDEA ang kanilang katransaksyon.

Nangyari ang nasabing misencounter sa parking lot ng nasabing fast food restaurant.

Sa footage ay makikita ang ilang tao na tinipon sa loob ng isang maliit ng kwarto sa nasabing restaurant habang ang ilang miyembro ng SWAT ay nakabantay.

Ilang beses pinayuko ng mga pulis ang mga indibidwal at matapos ang ilang minuto ay pinalabas nila ito isa isa.

May ilang netizens naman na natawa dahil ang isa sa mga indibidwal na ni-rescue ng mga otoridad ay hinahanap pa ang donut na kinuha sa kanya.

Umabot na ng libo libong share ang nasabing video.

Sa ngayon ay may naiulat ng dalawang pulis na binawian ng buhay dahil sa nasabing misencounter.

Ikinalungkot naman ng PNP ang nangyaring misencounter at nangako sila na iimbestigahan ang nangyari.

“The PNP and PDEA both agree and assure the public that the incident, while serious, will in no way affect the continuing operational relationship and coordinations they have long firmed up,” ani PNP Spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén