Local News

Video ni FLM sa Loob ng Kulungan, Inilabas na!

Isang video ang na-upload ngayon sa social media kung saan makikita si Norman Mangusin aka Francis Leo Marcos (FLM) na nasa loob ng piitan at may kausap ng mga tao. Sa naturang video ay mapapanood si Mangusin na nagpapaliwanag tungkol sa pagbabago sa pangalan niya.

Si FLM ay inaresto ng mga kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong ika-19 ng Mayo dahil sa kaso nitong paglabag sa optometry law. Matapos ang pag aresto sa kanya ay sinampahan ito ng karagdagan kaso tulad ng violation of passport law dahil sa paggamit ng pekeng pangalan at inciting to sedition.

Kamakailan lang ay nakakuha ang mamamahayag na si Erwin Tulfo ng impormasyon reklamong rape laban kay FLM sa Ilocos. Nasangkot din daw si FLM sa illegal recruitment kung saan pinaghuhubad daw nito at ng mga kasamahan niya ang mga babaeng aplikante.

Si FLM ay isang internet personality na sumikat dahil sa paandar niyang “Mayaman Challenge” sa gitna ng COVID-19 crisis. Sa naturang challenge, hinahamon niya ang mga mayayaman na tulad daw niya na tumulong.

Source: Decameseta San Juan Batangas

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: