Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Vilma Santos, Naghain ng Panukalang Batas upang Ma-Renew ang Prangkisa ng ABS-CBN!

Naghain na sina House Deputy Speaker Vilma Santos-Recto at Batangas Rep. Sol Aragones ng mga bill sa House of Representative (Kongreso) para sa franchise renewal ng broadcast giant na ABS-CBN. Nai-ulat kamakailan lang na mapapaso na ang prangkisa ng istasyon pagdating ng Marso 2020.

Matatandaang naghain na rin ng parehas na panukalang batas ang asawa ni Vilma na si Senator Ralph Recto sa senado.

Magugunita na ilang beses nang nagsalita si Presidente Duterte tungkol sa balak niyang harangin ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

“Kalakas ng loob… mukhang marami kami sila Chiz Escudero, tanggap nang tanggap. Niloko ninyo kami, marami hindi lang ako kaya kayo hindi ko kayo palusutin… Yung franchise ninyo matatapos na, but let me ask you [the] questions first, kasi ako talagang mag-object na ma-renew kayo… They offered to pay and I refused to accept it because it was returned to me… proposed to return the money was too late after the election… When you do that to many people, it’s fraud. You’re actually a fraud when you actually received money and you don’t come up with your part in the bargain,” banat ng Pangulo.

Nakaraang taon ay binunyag ng Pangulo na nagpapadala ang ABS-CBN ng emisaryo sa kanyang opisina patungkol sa franchise renewal.

“Now, ABS-CBN, ‘yung franchise nila is due for renewal. Sige, padala ng emissary para kausapin ako… Nothing will happen. I will not talk to you, but I will never also intervene…If I had my way, I would not give it back to you. Magnanakaw kayo e. Niloloko ninyo yung mga maliliit” sabi ng Presidente.

Ilan sa mga dinadahilan din ng Presidente ay ang utang ng ABS-CBN sa Development Bank of the Philippines (DBP). Ang utang umano ng ABS-CBN ang ilan sa dahilan kung bakit bumagsak daw ang DBP. Hindi umano binayaran ng ABS-CBN ang obligasyon nito sa bangko.

Source: Politiko | SUNSTAR | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén