Local News

Viral Police na Nanakot ng Customer, Dinisaramhan na! Nag-Sorry sa Tinakot niya!

Base sa ulat ng News5, dinisaramahan na si Police Senior Master Sergeant Arnulfo Ardales, ang pulis na nag-trending sa social media dahil sa pag-aamok nito sa tindahan at pananakot sa kapwa kustomer.

Nagtungo si Ardales sa San Juan Police Headquarters para i-surrender ang kanyang armas. Humingi na rin ito ng paumanhin sa nakaalitan niyang customer na si Aaron Estrada.

Kahapon ay kumalat ng husto sa social media ang video kung saan mapapanood si Ardales na nagpupuyos sa galit dahil “nasapawan” umano siya ni Estrada habang bumibili ng ulam sa isang karinderya.

Makikita sa video na tinulak niya si Estrada at pinagbabantaan pa. Sari-saring insulto din ang pinaulan ni Ardales kay Estrada. Sa isang bahagi ng viral video ay maririnig sa pulis na “minarkahan” na raw niya si Estrada.

Si Estrada, isang call center agent, ay hindi nakapasok sa kanyang trabaho dahil sa pangamba at takot kay Ardales. Ibinahagi din ni Estrada ang kanyang panig.

“Nakabalot na ang ulam niya. Ako, tumintingin ako ng ulam. Kaya sinabi niya sa video na dumudungaw daw ako at hinaharangan ko daw siya. Hinihila niya ako kasi aarestujhin niya daw ako. Tapos pinagtutulak niya na ako hanggang tumama ako sa ref ng karinderya,” sabi ni Estrada.

Si Ardales ay kasalukuyang iniimbestigahan ng pamunuan ng kapulisan at pansamantalang tinaggal sa serbisyo.

Ayon kay National Captial Region Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar, hindi tama ang inasta ni Ardales pero dadaan daw sa imbestigasyon ang nangyari.

“I am admonishing o binibigyan ng warning ‘yung police na iyon dahil mali talaga. So, nakita natin doon na klaro na may maling asal na ginawa. But still, it has to be investigated… Para murahin mo o takutin na huhulihin for an offense na hindi naman klaro. That is something na hindi natin hahayaan,” sabi ni Eleazar.

Panoorin ang ulat ng GMA News kahapon tungkol sa isyu.

Source: GMA News | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén