Local News

Panoorin: “Wag ka mang Laglag!… May Agam-Agam kami!” – DILG, may banat kay Leni!

Sa isang panayam, sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Ricojudge Echiverri na may aga-agam ang kanilang ahensiya na magbigay ng datos kay Vice President Leni Robredo tungkol sa kampanya kontra-droga.

kinababahala daw nila na may mangyari laglagan kung sakali na mapasakamay ni Robredo ang mga classified information at mga sensitibong dokumento tungkol sa drug war.

“Ang amin lang siguro, huwag sanang mangyari na kung may malaman na impormasyon, sana ay walang laglagan… You are already part of the group that finds proper solution,” sabi ni DILG Undersecretary Echiverri.

Magugunita na noong Biyernes ay sinabi ni Philippine Drug Enforcement (PDEA) Chief Director General Aaron Aquino na hinihingi ni Vice Preisdent Robredo ang listahan ng high value targets sa kampanya kontra-droga. Ang hakbang na ito ni Robredo ay kinuwestiyon ni PDEA Chief Aquino.

“Meron atang hinihingi na lists. One example ‘yung list ng high-value targets. So I think, nag-iisip naman ako bakit kailangan niya in the first place. Wala naman sa mandates namin ‘yun, na kailangan kumuha ng listahan ng high-value target… Why are you getting the list of drug addicts na you are just, iniisip ko kasi (I am thinking) we are just — kasi co-chairperson ko siya,” sabi ni PDEA Chief Aquino..

Para naman kay Robredo, kasama sa mandato niya daw na malaman ang listahan ng HVTs. Kailangan daw ang HVT list upang maipatutupad daw ng epektibo ang kampanya kontra-droga.

“Kaya nga binalikan ko ‘yong functions ng ICAD […] under Executive Order No. 15, ang number one function niya, ensure the effective conduct of anti-illegal drug operations and arrest of high value drug personalitiesIto ang tanong ko, papaano ko ma-ensure nang hindi ko nga alam?” she asked. “Papaano ko ‘to mae-ensure na nahuhuli ‘yong mga high-value targets kung hindi ko nga alam kung ilan ba ang high-value targets, ano ba ‘yong status sa pag-huli sa high-value targets, ano ba ‘yong available na impormasyon?” boladas ng bise presidente.

Source: Philstar | CNN Philippines | Inquirer | Inquirer | DZXL

Leave a Reply

Theme by Anders Norén