Local News

‘Wag ka muna Mag-Celebrate!’ Trillanes, Nakatikim ng Mahiwagang Mensahse sa DU30 Govt!

Sa isang pahayag, sinabihan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang kampo ni former senator Antonio Trillanes na huwag muna magbunyi dahil hindi pa tapos ang laban.

Magugunita na ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang kautusan ni Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 Judge Elmo Alameda na buhayin ang kasong kinasangkutan ni Trillanes nang masangkot ito sa Manila Peninsula Siege noong 2007.

“The respondent court committed grave abuse of discretion when, without taking ample time to pause and ponder, whether or not it retained jurisdiction, summarily and cursorily considered the Omnibus Motion upon a matter involving a criminal action that it has long-ago dismissed. It acted with grave abuse of discretion that amounted to excess of jurisdiction, thus ousting it of jurisdiction, when it shunned testimonial evidence,” sabi ni Associate Justice Apolinario Bruselas, Jr.

Ayon kay Guevarra, pinatunayan lang daw ng hatol ng CA na legal ang proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipawalang bisa ang amnestiya na iginawad kay Trillanes noong 2010.

“If this is so, it opens a number of legal options to the government,… And if I may say, the battle is certainly far from over,” sabi ni Guevarra.

Gumagawa na raw ng iba pang legal na hakbang si Solicitor General Jose Calida.

Umamin na rin ang abogado ni Trillanes na si Reynaldo Robles na nagkaroon ng bagong pagkakataon ang mga state prosecutors na maghain ng bagong criminal complaint laban kay Trillanes.

“Today, the rule of law prevailed. Nagpapasalamat ako sa mga CA justices na gumawa ng desisyong ito. Sana all na judges and justices ay may ganitong sense of justice to check the prevailing authoritarianism in the country,” boladas ni Trillanes noong lumabas sa media ang naging pasya ng CA.

Source: Inq

Leave a Reply

Theme by Anders Norén