Local News

‘Wag lang si Duterte ang Pasiyahin mo’ Leni, may Boladas kay DepEd Sec. Briones!

Sa kaniyang programa sa radyo, muling mumoladas na naman si Vice President Leni RObredo laban sa Duterte Administration. Banat ni RObredo kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, hindi lang daw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang dapat bigyan ng kaluguran. Para kay Robredo, tila bulag na tagasunod daw si Sec. Briones sa Presidente.

“Dapat yung boss ni Secretary Briones ay ‘yung mga bata na kailangan matuto, ‘yung mga teacher na kailangan ng tulong, hindi si Presidente… Totoo [nga] na si Presidente ‘yung nag-appoint sa kanya. Pero sana naman ipagtanggol niya ‘yung mga bata na nangangailangan ng tulong. Hindi naman dito puwede ‘yung blind obedience,” boladas ni Robredo.

Ang pinaghihimutok ni Robredo ay ang naging komento ni Briones ukol sa kaniyang Community Learning Hubs (CLHs) na hindi sanctioned ng DepEd.

“Pero dahil sa statement nila, siyempre kahit ako naman teacher, kahit ako principal, kahit ako DepEd official na lokal, kahit alam kong mabuti iyong programa, mag-aalala ako na baka pag-initan ako o baka ma-sanction ako kasi nagsabi si Secretary Briones na ayaw nila iyan… Pero dahil sa statement nila, siyempre kahit ako naman teacher, kahit ako principal, kahit ako DepEd official na lokal, kahit alam kong mabuti iyong programa, mag-aalala ako na baka pag-initan ako o baka ma-sanction ako kasi nagsabi si Secretary Briones na ayaw nila iyan,” kuda pa ni Robredo.

Magugunita na sinabi ng DepEd na walang partnership na nangyari sa pagitan ng DepEd at ng mga learning hubs ni Robredo.

“It was clearly not an agreement to a partnership, much less a reversal of a standing policy of no face-to-face classes at this time, even on a limited scale… It is of public knowledge that the present policy is for distance learning modality only, and that reintroduction of face-to-face classes involving the congregation of learners will require approval by the President given the public health considerations,” lahad ng DepEd.

Source: GMA News | Archive | Remate

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: