Local News

Wag Manghimasok sa Senate Hearing! Ping, Bumoladas kay PDU30!

Sa kaniyang public address nitong ika-4 ng Enero, nagbabala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa senado ukol sa kinakasang pagdinig kung saan ipapatawag ang Presidential Security Group (PSG) para ipaliwanag ang pagpapaturok nila ng anti-covid vaccine na hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

Nagbabala si Pangulong Duterte na magkakaroon ng krisis sa pagitan ng lehislatura at ehekutibo kung pipilitin ng seando o kongreso na imbestigahan ang isyu sa Presidential Security Group.

“So huwag mo silang pakialaman because they’re… Two things may happen: I will ask them to shut up and not to answer any question, and I’m not threatening, please do not cite them in contempt by detaining them, I will not allow it. Pupunta ako diyan sa Congress, kukunin ko sila.

Masyado kayong maa-ano eh. ‘Pag ginawa ninyo ‘yan, there will be a little crisis. Nasa inyo. Ako, I am prepared. I am preferred — preferred — prepared to defend my soldier. I will not allow them for all of their good intentions to be brutalized in a hearing tapos kung ano-ano…

Why do you — why do you threaten a person with investigation just because he had something to protect himself for after all until now it is March to March, March pa is the earliest. In the meantime, they have so many things for themselves. They have to mix and for their job, they have to surround me. And how can they perform that duty when they are in danger of getting the COVID? Pati ako mahawa nila. See?” sabi ni Pangulong Duterte.

Kumuda naman si Seandor Ping Lacson ay naging banat ng Presidente. Sa isang pahayag, sinabi ng Lacson na hindi dapat sumawsaw sa trabaho ng senado si Pangulong Duterte.

“Ibabalik natin sa Malacañang ‘yung panghihimasok na issue. Hindi na dapat manghimasok ‘yung Malacañang sa tungkulin ng Senado o ng kongreso na kuing kami ay may pagdinig, uubra na kami ay magpatawag ng resource person,” boladas ni Lacson.

Source: ABS-CBN | Archive | PCOO | UNTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén