Local News

‘Wag mo hangaring lumaya pa’ Sen. Go, Maybanta kay Ex-Mayor Sanchez?

Naging laman ng mainstream media news nitong nakalipas na araw ang balita tungkol sa napipintong pagpapalaya umano kay former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Si Sanchez ay na-convict sa pagpatay sa 2 University of the Philippines – Los Baños (UPLB) students at panghahalay sa isa sa dalawang biktima.

Ang naturang balita ay sinalubong ng batikos mula sa mga kababayan natin. Inalabas ng mga Pilipino ang pagtutol sa social media at mayroong pang nagsimula ng online petition para hadlangan ang pagpapalaya kay Sanchez.

Isa din sa kontra sa pagpapalaya kay ex-mayor Sanchez ay si dating Special Assistant to the President at ngayo’y Senador Bong Go. Sa isang mensahe, tila nagbabanta ang senado na maaring matigok ang dating alkalde kung pipilitin nito na lumaya sa bilangguan. Ayon pa kay Go, dapat ay pagdusahan na lang ni Sanchez ang mga kasamaaan nito.

“Wag ka nang bumanat na makalaya pa. Ipagpatuloy mo na lang pagbayaran mga kasalanan mo dyan sa loob. Kaysa lumabas ka, baka umikli pa buhay mo,” sabi ni Senador Go.

Nilinaw kanina ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon na hindi totoong lalaya si Sanchez. Paliwanag pa ni Faeldon, nahulian si Sachez ng droga sa kubol nito dahilan para hindi maikonsidera sa good conduct time allowance.

“Tukoy na natin si Mayor Sanchez. Mayron siyang incident na nahulian ng drugs sa kubol. Although na-dismissed iyan sa korte. But as the bureau is concerned, nahulian siya sa kubol. So he violated that (good conduct time allowance – Republic Act 10592 ). That will be subject for review. Baka hindi ka qualified kasi nahulian ka sa kubol mo (ng droga). Na-technical lang ang kaso kaya nad-dismissed. Pero nahuli pa rin iyan as far as the bureau is concerned… Those are the records that will definitely disqualify (him)… Si Sanchez is not yet released. We are not yet even reviewing his papers… But I’m assuring you na hindi kami makakatulog ng mahimbing kung walang hustisya sa desisyon… We will review the activities of Mayor Sanchez… Sigurado ako na I will not allow computation of good conduct to anybody who has participated in the selling of drugs,” sabi ni Faeldon.

Source: ABS-CBN | Ina Refromina | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén