Local News

‘Wag mo i-Advertise na Mahina Tayo. Magtira ka naman ng Konting Baraha’ – Lacson to DU30

Nagsalita na kahapon si Presidente Rodrigo Duterte sa tungkol sa nangyaring salpukan ng sasakyan pandagat ng Pilipino at ng Tsino sa West Philippiner Sea. Ayon sa Pangulo, hindi daw dapat mauwi sa giyera ang nangyaring banggaan sa karagatan.

Nagbabala din kahapon ang Pangulo na posibleng mauwi sa digmaang nukleyar kung sakaling tumindi ang tensyonado nang sitwaston sa West Philippine Sea.

“Dalawang bangka lang ‘yan. Now you go there and create a tension. I said, hindi ako gago na na presidente na papayag noon. If we have to die, we must have to die in the correct way and to die with dignity. Hindi yung basta bangga ka nang ka-bangga diya,” sabi ni Presidente Duterte patungkol sa insidente ng banggaan sa pagitan ng bangka ng mga Pilipinong Mangingisda at vessel ng Tsino.

Ang pahayag ni Presidente Duterte ay hindi nagustuhan ni Senador Ping Lacson. Base sa social media post ng mambabatas, hindi daw dapat i-advertise ang kahinaan ng ating bansa at magtira ng baraha.

“I am not suggesting WW3 but atleast [the Mutual Defense Treaty] can make China feel the balance of power in the West Philippine Sea… It is bad enough that we are weak but don’t advertise that we are weak. Magtira ka naman ng konting baraha,” sabi ni Lacson.

Source: Philstar | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén