Local News

‘Wag mong Buksan iyang Bunganga mo!’ PDU30, Sinupalpal ng Matindi si Leni!

Sa kaniyang public address nitong ka-15 ng Pebrero, niresbakan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo. Banat ng Punong ehekutibo, walang kakayahan si Robredo na mamuno ng bansa.

“You are not really qualified to run for president. You do not know your role in this government… She should not be opening [her] mouth when [the administration is] negotiating… I think you need a refresher course sa law. That is my advice to you,” banat ni Pangulong Duterte.

Binitawan ni Pangulong Duterte ang biradang itong matapos ang kritisismo ni Robredo sa naging pahayag niya ukol sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Estados Unidos.

Magugunita na sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan magbayad ng Amerika sa Pilipinas upang maipagpatuloy ang VFA.

“I would like to put on notice if there’s an American agent here, that from now on, you want the Visiting Forces Agreement done? Well, they have to pay. It’s a shared responsibility, but your share of responsibility does not come free. Because after all, when the war breaks out, we all pay. You, kami, we are nearest to the garrison there where there are a lot of arsenals of the Chinese armed forces… Kaya tandaan nila ‘yan. I hope they would understand that we are a nearest to a theater of war. Ang banatan diyan it could be submarines and aircraft carriers and all. Madadamay talaga tayo. I do not want to participate in any adventure of that kind, if I can help it. I am not against the Chinese, neither am I a — ako, hindi ako pro-American. I am just a Filipino government worker working for the interest of my country,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Ang pahayag na ito ng Presidente sa VFA ay kinontra ni Robredo.

“Parang kriminal e: ‘Kung gusto mo nito, magbayad ka muna’” patutsada ni Robredo.

Source: Inquirer | RTVM

Leave a Reply

Theme by Anders Norén