Local News

‘Wag Pigilan ang mga Tao na Magsalita! Kailangan Maging Malaya Tayo!’ – Coco Martin

Nakibahagi kagabi ang ilang empleyado at artista ng ABS-CBN sa isang pagkilos para sa ipakita ang kanilang suporta sa prangkisa ng kanilang kumpanya. Isa sa mga prominenteng artistang sumali sa pagkilos ay si Coco Martin.

Base sa ulat ng ABS-CBN, iginiit daw ni Martin na ang laban para sa renewal ng prangkisa ay laban ng sambayanang Pilipino. Hindi rin daw dapat pinipigilan ang mga tao na magpahayag ng saloobin na nangyayari sa lipunan.

“Kinakailangan namin na ipakita ang aming suporta. Hindi lang kami at lahat ng nagtatrabaho sa ABS-CBN kung hindi ang lahat ng mga Pilipino. Kasi hindi natin dapat pigilan ang mga tao na makapagsalita. Kailangan maging malaya pa rin tayo. Kung ano ang opinyon natin at saloobin natin, kailangan mapanindigan natin. At masabi natin ang mga bagay-bagay nangyayari sa ating bansa,” sabi ni Coco.

“Hindi hahayaan na isang araw magising na lang ako na ‘yung pinagkakautangan ko ng loob, ng maraming empleyado, na nagbibigay sa amin ng hanapbuhay para matupad ang aming mga pangarap ay mawala ng lang nang bgila,” dagdag pa ng aktor.

Ang prangkisang ABS-CBN ay nahaharap ngayon sa matinding suliranin dahil mapapaso na ito sa huling bahagi ng Marso 2020. At hangganang ngayon ay hindi pa nagkakaroon ng pagdinig sa mababang kapulungan (kongreso) patungkol sa legislative franchise ng kumpanya.

Ang prangkisa ng ABS-CBN ay nahaharap sa isang matinding suliranin dahil sa paghahain ni Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petition sa Korte Suprema upang kanselahin ito. Paliwanag ni SolGen Calida, may mga pang-aabuso silang natuklasan.

“We want to put an end to what we discovered to be highly abusive practices of ABS-CBN benefitting a greedy few at the expense of millions of its loyal subscribers. These practices have gone unnoticed or were disregarded for years,” pahayag ni Solicitor General Calida.

Ilang beses naman nagbabala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na haharangin niya ang ABS-CBN franchise renewal. Hindi nagustuhan ng Pangulong Duterte ang pag-ere ng anti-duterte ads noong 2016 elections kung ilang mga musmos ang pinagsalita laban sa kanya.

Source: ABS-CBN via VOVph | ABS-CBN | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén