Local News

Wala daw SHARES sa ABS-CBN si Angel Locsin Pero Iba ang Nakalagay sa Dokumento!

Kahapon ay nagsagawa ng noise barrage ang mga empleyado at artista ng ABS-CBN para umangal sa hindi pagbibigay ng prangkisa sa kanilang istasyon.

Isa sa mga nagsalita ay ang aktres na si Angel Locsin. Binanatan ni Locsin ang kapwa artista niya na tila nananahimik sa franchise issue ng network.

“Sa mga kasamahan kong artistang ‘di nagsasalita: Ano? May career pa ba kayo? Wala na, wala na kayong network. Kahit magpa-cute kayo d’yan sa Instagram, mag-send kayo ng mga sad face, ‘di n’yo nadadamayan ang mga katrabaho n’yo na dahilan kung bakit kayo sumikat!” sabi ni Locsin.

Boladas pa ni Locsin, wala daw siyang shares sa ABS-CBN. Nagpahayag din siya ng utang na loob sa istasyon.

“Wala akong shares sa ABS-CBN. Wala akong kontrata pero itong mga taong ito, sila yung nagbigay ng trabaho sa akin. Sila yung tumulong sa akin nung walang-wala ang pamilya ko.” patutsada pa ni Locsin.

Ang pahayag na ito ni Losin ay sinaliksik ng ilang netizens. Nagtungo ang ilang kababayan natin sa investor relations section ng website ng ABS-CBN para beripikahin kung totoo ba ang sinasabi ni Loscin.

Ayon sa investor disclosure ng Kapamilya network, as of June 30, 2020, isa si Locsin sa top 100 shareholders ng istasyon. Ang tunay na pangalan ni Locsin ay Angelica Locsin Colmenares.

Sa hiwalay na social media post ay ibnahagi ni Locsin ang paliawanag ng isang netizen tungkol sa mga klase ng shares na nakadikit sa pangalan niya.

“Once and for all, linawin na natin ang issue niyo kay Angel about sa stocks niya. Lumalabas sa PSE list of ABS-CBN stockholders na isa si Angel sa may shares dito. Pero ang tawag sa shares ni Angel ay “SUBSCRIBED SHARES”. Malinaw na blank sa Issued shares at may amount sa Subscribed shares.

Now explain natin ang difference:

Issued share capital is the value shares actually held by investors while subcribed share capital is the value of the shared investors have promised to buy when they are released.

…. Kapag natapos na niya bayaran ang payable period, don pa lang maiissue sa kanya. In Angel’s case, 5 years to pay. Pero nakakalahati pa lang siya (if tama ako), at late last year or early this year hindi na niya binayaran. Ni let go na niya ito. So ano ibig sabihin? Hindi pa sa kanya ang shares na yun. At hindi magiging sa kanya dahil hindi niya natapos ang 5 years,”

Source: ABS-CBN Investor Disclosure | Philstar | PEP

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: