Local News

‘Wala kang Quarantine Pass, Problema mo na iyan’ Bastos na Brgy. Captain, Huli sa Video!

“Wala ng Quarantine Pass. Pinamigay na namin lahat. Problema mo na ‘yun!”

Ganito ang balasubas na sagot ng Barangay Chairman sa isang residente na nagpunta sa kanya para makahingi ng quarantine pass. Mapapanood sa video kung paano sinigaw-sigawan at binastos ng chairman ang residenteng nanghihingi lang ng quarantine pass.

Ang usapan ng dalawa ay nakunan ng video at nakarating sa kaalaman ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica. Ito naman ay kanyang inilapit kay Department of Interior and Local Government Undersecretary Martin DiƱo. Ayon sa opisyal ng DILG, posibleng masuspinde o matanggal sa pwesto ang kapitan ng barangay dahil sa pang-aabuso sa kapangyarihan nito. Hindi pa pinapangalanan ni Commissioner Belgica ang nasabing kapitan.

Narito po ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa inasta ng kapitan.

“Dapat talaga masibak ang mga ganyang mga namumuno sa barangay,,kng ayaw ng gobyerno ng mga masasamang tao dapat cguro linisin na nila ang mga basurang nagkalat sa puwesto para ang taong bayan ay tuwirang sumunod sa batas,” sabi ni M. Salazar.

“yan na nga kc mga kaibigan. nanalo na kc at nakaupo kaya lumalabas ang tunay na ugali. sana tinanong nya na lang kng san nakatira o nag verify kng naka receive na yun baka isa sa pamilya nya e meron. kina usap ng maayos. sana kahit pagod kna kapitan e bakit kba naging kapitan dyan ha? syempre binoto ka dba dahil tyak nangako ka nung eleksyon na pagliljngkuran mo yun nasasakupan mo. so ano yan ginawa mo ha? isang quarantine pass e pasigaw ka pa magsabi. oh ayan alam nyo na ugali nyan pag kayo naman nangangailangan ha. simple na lang kung dpa tapos term nyan e tatakbo uli yan kaya alam nyo gagawin nyo mga igan,” sabi ni A. Sereno.

“sn nga po maaksyunan ng agaran pr nmn ang ibang kaptan eh umaksyon ng tama lalo n ngaung panahon ng crisis higit clang dpt maging makatao,” sabi ni L. Wang.

Source: Greco Belgica | Community Post

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: