Local News

‘Wala kang Silbi! Ikaw ang Problema ng Pilipinas!’ – Lawyer and TV Host

Hindi nagustuhan ng abogado at tv host na si Atty. Bruce Rivera ang mga boladas kahapon ni Vice President Leni Robredo laban sa kampanya kontra-droga ng Duterte Administration .

Matatandaan na sinabi ni Robredo sa kanyang press conference na ang anti-drug campaign ng gobyerno ay “failure” na may markang “1 out of 100”. Iminungkahi din ni Robredo na alisin na ang “Oplan Tokhang” ng pamahalaan.

Buwelta ni Attorney Rivera, wala sa posisyon si Robredo para magbigay ng grado sa anti-drug campaign ng gobyerno. Ipinamukha rin ni Rivera kay Robredo ang mataas na antas na nakukuha ni Pangulong Duterte sa mga surveys.

“1/100 ba kamo? Ang trabaho mo ay pagandahin ang programa ng ICAD at hindi ka naman evaluating committee na magbibigay ng grado. Trabaho ng boss mo ang mag-evaluate. Sino nga ba nagbigay ng job mo? Ayyy, si PRD. At sino nagbigay ng trabaho kay PRD? Ayyy, di ang mga Pinoy. Antaas ng approval ng boss mo… Wala kang karapatan magbigay ng grado!!!!! Aber, saan ang class record mo na may basis ka sa 1/100? Hinugot mo na naman ba yan sa guni-guni katulad nung mga numero na pinagsasabi mo sa UN?” sabi ni Rivera.

Para kay Rivera, si Leni ang isa sa mga problema sa Pilipinas at walang kasilbi-silbi.

“Wala ka talagang silbi, Madame. Wala. Hindi ko alam bakit ka may eyebags ehhh….hindi ka naman nagpapagod kaiisip ng solusyon sa problema ng Pilipinas. Oh wait….ikaw ang problema ng Pilipinas. At malamang kaya may 1 sa 100, ikaw ang nagbigay ng 1 sa sarili mo bilang ICAD Co-Chairperson. Kaya tayo kulelat sa edukasyon. Yung Bise ninyo, ang alam gawin…BYOG. Bring Your Own Grade,” resbak pa ni Rivera.

Ang social media post ni Attorney Rivera laban kay Robredo ay umani ng libo-libong reaksyon mula sa mga netizens at habang isinusulat ang blog post na ito ay umabot na sa lagpas 500 beses ang nag-share.

Source: Attorney Bruce Rivera

Leave a Reply

Theme by Anders Norén