Local News

“Wala naman siyang sinabing ninakaw” Pacquiao, Supalpal kay DOH Sec. Duque

Ikinalulungkot ni Department of Health na si Francisco Duque III ang mga naging bintang laban sa kanya ni Senador Manny Pacquiao na kinokonsidera pa naman daw niyang isang kaibigan. Para sa kalihim, walang basehan ang mga akusasyon sa kanya ni Pacquiao.

Handa din daw ang kalihim na ilabas ang lahat ng ebidensiya para patunayan na wala silang ninakaw na pera.

“We are always open. Our books are always open to public audit, on top of the COA audit. Wala namang problema, kung anong hinihingi niya we will give it all,” sabi ng kalihim ng DOH.

Inilahad din ni Duque na noong Hunyo 14 ay dumalo sila ng pagdinig sa senado pero wala naman daw sila narinig na tanong kay Pacquiao tungkol sa korapsyon sa DOH.

“Walong oras kami doon, ni isang tanong walang nanggaling kay Sen. Manny Pacquiao. Walang tanong ni isa, so nakakapagtaka naman na bigla-bigla na lang magsasabi. Although in fairness, wala naman siyang sinabing ninakaw. Wala naman siyang sinasabi na ito’y kinomisyon, sinasabi lang niya handa na ba kayong magpaliwanag,” banat ni Duque.

Ayon pa kay Duque, madali lang ang magbato ng bintang pero mahirap ang maghanap ng ebidensiya.

Magugunita na hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang seandor na pangalan ang mga tiwaling opisyal at departamento sa gobyerno.

“Within one week, may gawin ako. Maglista ka, Pacquiao, at sinasabi mong two times kaming mas corrupt. Ilista mo ‘yung mga tao at opisina. Dapat inilista mo na ‘yan noon, at ibigay mo sa akin,” hamon ni Pangulong Duterte kay Pacquiao.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: