Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Drug Czar Leni, Walang Planong Patayin ang mga Drug Lords at Maliliit na Durugista?

“We should have many resources and time to run after the big fish. That is my directive. But the killings, whether big-time (traffickers) or small fry, that is not part of the deal,”

Ganito ang naging boladas ni VIce President at Drug Czar Leni Robredo nang tanggapin niya ang pwestong inalok sa kanya ni Pangulong Duterte.

Para kay Leni, hindi daw parte ng kanilang plano ang pagtodas sa mga durugista.

“Killing is not part of our plan because that is outside the bounds of the rule of law. That is my directive,” sabi ni Vice President Robredo.

Ang hakbang na gustong gawin ni Robredo ay una nang inalmahan ng ilang kaalyado ni Pangulong Duterte. Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, tila gustong paramihin ni RObredo ang mga drug lords.

“Sa tingin ko gusto niya (Robredo) atang i-baby ang drug lords, gusto niya ata paramihin?… Gusto namin mag-succeed siya pero natatakot po ako na mas dadami ang mga inosenteng mabibiktima nitong droga na ito… dahil hindi sila (drug lords) matatakot dahil ibe-baby niya (Robredo)… I’m sure kung hindi mo idaan sa takot itong drug lord na ito, dadami ang drug lord, dadami ang biktimang Pilipino,” buwelta ni Go.

Nagbabala na rin si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa malamyang pagtugon ni Robredo laban sa pinagbabawal na droga.

“This is war, giyera ito; you have to fight, hindi ka pwedeng pacute-cute dito…Ang sinalihan niya is war on drugs at ang kalaban mo diyan ay mga sira ulo, ang kalaban mo diyan ay malalaking sindikato. So how can you wage a war without fighting? So, she has to fight… Kung maiwasan ang killings, iwasan. Pero how do you… war na ito eh, kalaban natin eh mga siraulo, kalaban natin mga aramado . Kita mo ‘yung pulis, 120 plus policemen namatay sa war on drugs, so mamatay ba ‘yun kung walang lumalaban, may lumalaban talaga,” resbak ni Senador Bato.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén