Lotto Result

“Walang Alam na Batas ang Gutom” – Ex-Manila Mayor Erap

“Hungry stomach knows no law,”

Sa panayam kay former President at Ex-Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, ipinaliwanag ng dating alkalde ang dahilan kung bakit hindi niya pinaalis ang mga illegal vendors sa mga kalsada tulad ng ginagawa ng kasalukuyang Punong Lungsod ng Maynila na si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Ayon kay Erap, hindi niya basta-basta mapaalis ang mga vendors dahil sinisiguro niya na dapat ay magkakaroon ng sapat na hanap buhay ang mga ito dahil baka mauwi sa paggawa ng krimen ang mga maapektuhan ng clearing operations.

“Nilinis naman natin pero kung ang sasabihin mo sa akin yung mga vendor na nilinis, inalis lahat eh hindi ko kayang gawin ‘yon hanggang walang kapalit na hanapbuhay sila,” paglilinaw ni Erap.

Banat pa ng dating alkalde ng Maynila, kayang-kaya din daw niya gawin ang pag-uutos sa mga bumbero at pulis na mag clearing operations pero naaawa lang daw talaga siya sa mga mahihirap.

“Kayang-kaya utusan hindi ba sumunod ang pulis at mga bumbero? Orderan mo lang ‘yan sandali lang yun, pero isipin ang damage na kawawa naman ang mahihirap. Biruin mo umaasa sa pagkain nila,” sabi pa ni Erap.

Hindi naman pinaniwalaan ni Erap na mayroon umanong nanuhol kay Mayor Isko ng P5 million kada araw. Magugunita na binunyag ni Mayor Isko na mayroon nanuhol sa kanya para lang huwag galawin ang gma illegal vendors sa kalsada.

“Hindi masama ang magsinungaling para makasira lamang. Sino maniniwala P5 million a day?” banat ni Erap.

Nilinaw din ni Erap na hindi totoo na walang naging maayos na turn over ng mga city hall records sa pagitan ng kampo niya at ng kampo ng kasalukuyang alkalde.

Ayon pa kay Erap, pagkakataon na niya muna na magpahinga sa pulitika at tatakbo na lang daw muli siya kung hindi na automated ang halalan. Nagpahayag din ang dating Mayor ng kawalan ng tiwala sa automated elections.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén