Local News

‘Walang Ayuda! Walang Plano!’ Anak ni Francis Magalona, Binanatan ang DU30 Govt!

Bumoladas ang anak ng legendary pinoy rapper na si Francis Magalona matapos isailalim muli ng pamahalaan ang Metro Manila at ilang probinsiya sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa kaniyang social media post, binira ni Saab Magalona ang gobyerno at kinuwestiyon kung kakayanin ba ng mga ordinaryong Pilipino ang panibagong ECQ.

“Ano na nga ulit yun? Yun ba yung di ka pwede lumabas ng bahay tapos walang trabaho, walang ayuda, at walang plano yung gobyerno? Ah ok!” patutsada ni Saab.

Nagbigay din ito ng komento sa isang social media user na nagsabi na pinabayaan daw ng pamahalaan ang mga tao.

“Kung kanya kanya lang din naman tayo ng ways para mabuhay, tigilan na natin pagbabayad ng tax. Dagdag pambuhay sa sarili din yon,” sabi ni @wealwamos, na pinaboran naman ni Saab.

Si Saab ay isa sa mga kilalang personalidad na sumusuporta kay Bise President Leni Robredo na kabilang sa oposisyon.

Magugunita na sinabihan ni Saab na “kadiri” ang Duterte Administration at sinabi din nito na hinding hindi siya mapapatahimik ng mga taga suporta ng gobyerno.

Source: 1 | 2

Leave a Reply

Theme by Anders Norén