Local News

“Habang Walang Bakuna sa COVID-19, Walang Pasok!” PDU30 , Nagdesisyon na tungkol sa Balik-Eskwela!

Sa kanyang televised public address, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi siya papayag na magbukas ang mga paaralan habang wala pang nagagawang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (covid-19). Ayon kay Pangulong Duterte, ayaw niya daw isakripisyo ang buhay ng mga mag-aaral habang walang bakuna.

“It spells disaster…I will not allow the opening of classes na magdikit dikit ‘yang mga bata. Bahala nang hindi na makatapos. For this generation walang makatapos na doktor pati engineer… Wala nang aral, laro na lang unless I am sure that they are really safe. It’s useless to be talking about the opening of classes. Para sa akin, bakuna muna… I think by the grace of God we will have the vaccine before the end of the year so mag-asa na lang tayo sa mga marunong… They are feverously working on it. ‘Pag nandiyan na yan, ako na ang magsabi labas na,” sabi ng Pangulo.

Magugunita na inaunsyo ng Department of Education (DepEd) na ang pagbubukas ng school year 2020-2021 ay sa Agosoto 24. Paliwanag ng DepEd, hindi kailangan ang pisikal na presensiya ng mga estudyante sa mga paaralan dahil magsasagawa daw ng distance learning. Sinabi naman kamakailan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaaring baguhin ang itinakdang petsa para sa balik-eskwela.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén