Local News

Walang Basehan na Nire-recruit ang Kabataan para mag NPA – Sara Elago

Sa isang panayam sa ABS-CBN’s Early Edition, sinabi ni Kabataan Partylist Representative Sara Elago na walang basehan at malisyoso ang mga alegasyon na hinihikayat umano ng mga leftist groups ang mga kabataan para sumanib sa New People’s Army (NPA).

Inalmahan din ni Elago ang ideya ng pagpapanumbalik sa anti-subversion law. Sa naturang batas, ituturing na kriminal ang sinumang kaanib sa Communist party.

“We highly questioned the sincerity of the police, those behind these moves if they really care for the welfare of the youth and children,” boladas ni Elago.

Hindi rin gusto ni Elago ang panukala na magdagdag ng presensiya ng pulis sa mga paaralan.

“The recent pronouncement, not only of the PNP, but of Senator Bato, and even the DILG, exposes the real motives behind exploiting the matters between the parents and children to push for the railroading of the Campus Security Act,” angal ni Elago.

Sa parehas na panayam, nilinaw naman ni Philippine National Police spokesman Brig. Gen. Bernardo Banac na ang pagdadag ng presensiya ng kapuisan sa mga ekwelahan ay hindi lang para masawata ang nangyayaring NPA recruitment kundi para makakipag-ugnayan ang kapulisan sa mga estudyante.

“It’s not just about the presence but being able to engage the students and to be given time to present our peace and order plan situation.. tell them the benefits of obeying the law… Ang concern lang ng PNP is when our students disrespect and disregard the law. We don’t want them to be enticed to take up arms and join the rebels,” paliwanag ni Banac.

Naging usapin kamakailan lang ang tungkol sa mga kabataan nahihikayat na sumapi sa NPA matapos tumestigo ang ilang magulang sa senado para ilahad kung paano tinuturuan ng ilang leftist groups ang kanilang anak na maghimagsik sa gobyerno. Ayon sa mga magulang, nag-iba daw ang asal ng kanilang mga anak simula nang mapasali sa leftist group na Anakbayan.

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén