Local News

‘Walang Hiya ka! Anak kong 16-anyos, Ginawang mong Drug Lord!’ PDU30, Binoljakan si Trillanes!

Sa kaniyang pinakahuling public address, binanatan ni Pangulong Rodrigo Ro Duterte si dating senador Antonio Trillanes.

Ayon sa Pangulo, ginawa raw drug lord ni Trillanes ang anak niya.

“Naaawa ako sa anak ko. Ang politika dito ay kababuyan. Si Trillanes, pati ang anak ko na 16 years old. Ginawa pang drug lord. Be careful of Trillanes, magbantay kayo! He will sell you to the devil ‘pag yan ang nakaupo, patay! Ako sabi ko sa mga Pilipino ‘pag yan ang naging opisyal ninyo, walang hiya iyan,” banat ni Pangulong Duterte.

Magugunita na noong kasagsagan ng 2019 elections ay pinutakte ng mga media ang online video series na may pamagat na “Ang Totoong Narco List”. Sa nasabing mga video, ikinokonekta ang mga kaanak at kaibigan ni Pangulong Duterte sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot. Sa isa sa mga episode nito ay sinangkot si Kitty Duterte sa kalakaran ng droga.

Kalaunan ay lumitaw ang tao na nagsasalita sa nasabing video na si Peter Jomel Advincula aka Bikoy at itinuro na isa si Trillanes sa may pakana.

Narito ang pahayag ni Pangulong Duterte laban kay Trillanes.

Source: Inq

Leave a Reply

Theme by Anders Norén