Local News

“Walang hiya ka!” Trillanes, Nakatikim ng Malutong na Banat kay DU30!

Ilang oras matapos lumantad muli sa publiko si alyas Bikoy para bumaliktad at ituro si Senador Antonio Trillanes at Liberal party na utak umano sa mapanirang “Ang Totoong Narco List” video series na isinasangkot ang kapamilya ni Presidente DUterte sa droga, nagsalita na ang Pangulo laban kay Trillanes sa isang pagtitipon.

“Pinaaral kayo sa Philippine Military Academy (PMA). Medyas, sapatos, t-shirt, pagkain ay gastos ng tao. Then you stage a mutiny. Ang because the president was so unpopular, nanalo itong si Trillanes. Anong ginawa mo? Binaboy mo ang senado. You use that power to ran after people. Hindi alam ng mga sundalo na marami kang kotse at properties na nakalista sa ibang tao. Ikaw ‘yung number one na gumamit ng DAP,” banat ni Pangulong Duterte.

Pagbubunyag pa ng Pangulong Duterte, marami daw ari-arian si Trillanes na ipinangalan sa ibang tao.

“Hindi alam ng mga sundalo na marami kang kotse at properties na nakalista sa ibang tao. Ikaw ‘yung number one na gumamit ng dummies. Lalabas din iyan,” pagsisiwalat ng Presidente.

“Walang-hiya ka at hindi ka lalake,” dagdag pa ng Pangulo.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply