Local News

“Walang Kuwentang Proyekto” Ex-DENR Sec. Atienza, Binanatan ang Manila Bay White Sand Project!

Hindi pa rin matigil si Buhay Partylist Lito Atienza sa pagbanat sa Manila Ba White Sand Project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa isang panayam, tinawag ni Atienza na pag-aaksaya sa pondo ang nasabing proyekto. Parra pa kay Atienza, walang kwenta daw ang nasabing proyekto.

Si Atienza ay dating naging Mayor ng lungsod ng Maynila at nanilbihan din bilang kalihim ng DENR.

“A complete waste of public funds on a worthless project,” boladas ni Atienza.

Naniniwala si Atienza na isang malakas na bagyo lang daw ang magiging katapat ng mga white sandsna itinambak ng DENR sa Manila Bay. Ayon pa sa dating Alkalde, kahit ano pa daw ilagay sa Manila Bay ay mananatili daw na madumi ang tubig sa dagat.

“No amount of pretentious face-lifting can change the fact that Manila Bay’s marine and coastal ecosystems are practically dead – because its waters have been overwhelmed by fecal coliform… Anybody who swims in the bay’s heavily contaminated waters risks exposure to waterborne pathogenic diseases, including viral and bacterial gastroenteritis, hepatitis A, dysentery, typhoid fever and all sorts of infections…” patutsada pa ni Atienza.

Kung si Atienza ay negatibo ang pananaw sa Manila Bay White Project, iba naman ang opinyon ng kasalukuyang Alkalde ng Maynila na si Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

“How can I act on something that is not illegal, that is not harmful?… It will be quite unfair to anybody who works in government. Madali naman mag-akusa, madaling magbintang e, but it has to be proven… I think DENR is in the right position to know it better than me, na ito’y makapaminsala sapagkat sila naman ang talagang itinalaga ng batas na mangalaga sa ating kapaligiran. I don’t think a person in his right mind, who is obliged to protect the environment, will pollute the environment,” paliwanag ni Mayor Isko.

Source: MSN | News5 | ABS-CBN | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: