Local News

“Walang Maniniwala sa survey na iyan!” Trillanes, Diskumpiyado sa “Very Good” Rating ni PDU30!

Matapos lumabas ang pinakahuling Social Weather Station survey tungkol sa “very good” rating ni Pangulong Rodrigo Duterte, naglabas naman ng pahayag ang kritiko niya na si Senador Antonio Trillanes. Ayon kay Trillanes, wala raw maniniwala sa naturang survey dahil puro kapalpakan daw ang ginagawa ng Pangulo para sa kanya. Patuloy niya pang siniraan ang naturang survey nang sabihin nito na nakakaramdam lang daw ng takot ang mga naging respondents. Malalaman daw ang totoong sentimiyento ng mga Pilipino sa mid-term elections sa susunod na taon.

Sa isa namang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na sampal sa mukha ng mga kritiko ang kalalabas na survey.

“The consistent satisfaction rating of PRRD puts a lie to critics and detractors who find nothing good in his style of governance. The support of the Filipinos for our Chief Executive also sends a strong message to foreign human rights groups and foreign governments to put a stop to their baseless and unkind accusations on his war on drugs. In addition, the survey result is a slap on their faces for their outrageous intrusion on the sovereignty of our country,” sabi ni Panelo.

Matatandaang sinabi ni Trillanes noong nakaraang tao na babagsak daw ang mga numero ng ating Pangulo. Pero matatapos na ang 2018, nananatili pa rin na pasado ang mga gradong nakukuha ng Presidente sa mga surveys.

Source: Antonio “Sonny” Trillanes IV | CNN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: