Local News

Walang Nagmalasakit noong Madumi ang Manila Bay! Ngayong Pinapaganda ay Nangingialam! – MMDA Official Pialago

Madami tayong mga kababayan ang natutuwa sa ginagawang hakbang ng pamahalaan na pagandahin ang Manila Bay sa pamamagitan ng paglalagay ng white sand sa dalampasigan nito. Pero sa kabila ng mga pagpupursige ng ating gobyerno na maging kaaya-aya ang lugar ay may ilan mga kumkontra sa mabuting hangarin ng administration.

Ang mga kritiko ng nasabing proyekto ay binutata ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago sa pamamagitan ng kanyang spcial media post. Ayon sa opsiyal ng ahensiya, noon daw na madumi ang Manila Bay ay wala daw nagpakita ng malasakit pero ngayon na pinapaganda ito ay pinupuna. Ipinaalala din niya na ang pondo para sa nasabing proyekto ay apruba na noong pang 2019.

“Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit? Kahit na alam nating mas delikado sa kalusugan ang basura? Ngayong pinapaganda lahat nangingialam? Wow a! Just wow! 😡

Mag cocomment ako, kasi MMDA ang isa sa mga ahensya na araw araw naglilinis ng basura ng mga balahurang Pinoy at mapanamantalang establisyemento, 30-45 trucks ng basura lang naman ang nakukuha namin noong wala pang rehabilitation sa Manila Bay.

Saka pwede ba 2019 pa aprubado ang budget para diyan, huwag niyong ipilit na isinabay yan sa panahon ng pandemya.
Goodness!”
banat ni Pialago

Ang pahayag ni Piaalgo laban sa mga kritiko ng white sand project ay umani libo-libong reaksyon mula sa mga netizens. Habang isinusulat ang blog post na ito ay pumalo na sa higit dalawang libo ang nagbahagi ng opinyon ni Ms. Pialago.

Magugunita na iginiit ni Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda na bawala sa batas na ilipat ang pondong naaprubahan at gamitin sa ibang proyekto.

“Siguro kung pera lang ito na puwede nating i-juggle from one place to another, gagawin po ng gobyerno. But hindi po maaari iyan. Bawal po iyon… Hindi ho ‘yan bagong project. We cannot connect this with the pandemic,” ani Usec. Antiporda.

Source: MMDA Spokesperson Celine Pialago | ABS-CBN | Philstar | Radyo Pilipinas

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: