Local News

‘Walang Nilabag ang ABS-CBN! Nangako naman na aayusin ang Mali!’ Kim Chiu, Bumoladas matapos Hindi Bigyan ng Prangkisa ang Kapamilya network!

Hindi napigilan ni Kapamilya actress Kim Chiu na maglabas ng hinaing matapos magdesisyon ang 70 miyembro ng kongreso na huwag bigyan ang ABS-CBN ng panibagong prangkisa.

Para kay Chiu, walang nilabag ang ABS-CBN. Boladas pa ng aktres, nangako naman daw ang mga opisyal ng istasyon na aayusin nila ang mga pagkakamali ng kumpanya.

“Wala namang violations na nilabag, nangako naman na aayusin ang mali, para saan pa at nag HEARING??? Para saan yun? Para magpahiya? sorry for my words pero sobrang grabe lang po talaga ang nangyari,” sabi ni Chiu.

“We voted for our law makers into power hoping that they will act for the greater good. But, what happened today?… what happened to the 13 hearings? Abscbn proved na walang violations ang nagawa. Why are we experiencing this? Why now?. Why not help each other for the better?” banat pa ng Kapamilya actress sa hiwalay na Twitter post.

Patutsada pa ni CHiu, sana daw ay bumoto ang 70 na kongresista hindi dahils a paghihiganti.

“To those 70 members of the congress, we hoped that you decided based on conscience, not pride; based on Facts, not ego; based on truth, honesty, and service; not vengeance,” boladas pa ng aktres.

Magugunita na nag-viral noong Mayo si Chu dahil sa magulong pagpapaliwanag niya sa batas.

“Sa classroom may batas, bawal lumabas, oh bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal na lumabas pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo ‘yong law ng classroom niyo at sinumbit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas,” said the actress in a Facebook live event,” saad ni Chiu sa isang Facebook live event.

Magugunita sa mga pagdinig sa kongreso, naungkat ang mga kwestiyonableng labor practices ng istasyon. Nakalkal din ang tax avoidance scheme na ginagawa ng ABS-CBN para maka-iwas sa malaking buwis.

Source: Kim Chiu’s Twitter | 2 | 3

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: