Local News

Walang Pakialam sa Batikos? Magba-Bandalismo uli ang Nambaboy sa Underpass, ayon sa kanilang Lider!

Bumoladas ngayong ang lider ng Panday Sining na gagawa ulit sila ng bandalismo. Ito ay kahit na umani sila ng matinding batikos mula sa mga kababayan natin.

Sa panayam ng representante ng Panday Sining na si Francis Jovern sa One News, sinabi nito na mayroon silang mga bagong ihahanda.

“Gagawin din namin ulit, may inihahanda kaming mga panibago. Ang ginagawa namin sa mga kalaban na sina DUterte, ine-expose. Ang batayan namin doon ay ang magiging dating sa mga estudyante at manggagawang dumadaan,” boladas ni Joven.

Iginiit din ni Joven na ang ginawa nila ay isang uri ng sining na gamit nila para labanan ang gobyerno.

“Ang art ay literature ay ginagamit namin siya para ipanawagan ang pagkakaisa ng mamamayan at ipanawagan ang paglaban nila doon sa pinakasagad-sagaran kaaway ng sambayanan, ang Duterte Regime,” patutsada pa ni Joven.

Magugunita na sa kanyang capital report kahapon, binanatan muli ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga nambaboy sa underpass.

“Gusto niyo ng ‘REAL TALK’? Hindi kayo dadami dahil kinamumuhian kayo ng mga tao… Maaliwas na para gamitin (ang underpass) ng mga ordinaryong taong ‘sabi ninyo ay ipinaglalaban ninyo’. Una, sino ba humingi ng tulong para ipaglaban niyo sila? You volunteered yourself para ‘ipaglaban daw sila’,” banat pa ni Mayor Isko.

Binutata naman ng mga netizens ang mga kabalastugangn pinagsasabi ng lider ng Panday Sining.

“How can you expect to be taken seriously when your main form of communication is vandalism? I have much appreciation for the clean up happening. This is not appreciated. So what you are doing is not gaining you sympathisers and in fact gets you labelled nuisances,” sabi ni J. Divinagracia.

” Wala talagang pagbabago kng kayo mismo hindi magbabago anong klaseng gobyerno ba ang gusto nio …gobyernong susunod sa mga kalokohan nio dapat nga mabura na kayo sa mundo kng kayo rin lng naman sisira sa inaayos na sistema ng pamahalaan.sana huwag na kayong tularan ng iba png kabataan na nilalason nio mga isip.sigurado ako naghihinagpis magulang nio sa kinasadlakan nio.tapos pag nap-tay kayo maghahanap kayo ng “hustisya”,” sabi ni M. Coyoca.

Source: ONE News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: