Local News

“Walang Pera o Walang Diskarte!” GMA7 Host Arnold Clavio, Binira si PDU30!

Binanatan ni GMA7 Journalist Arnold Clavio ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte tungkol sa pondo ng gobyerno para sa pagtugon sa covid-19.

Magugunita na sinabi ni Pangulong Duterte na said na ang pera ng pamahalaan.

“Alam mo, sa mga doktor, sabihin ko sa inyo. Hindi ko na sila (public) mapigilan, dahil po wala na akong pera na ibigay sa kanila. Kaya kailangan sila lumabas para magtrabaho. I-lockdown ko, ubos na ‘yung pera na ibinigay ng Congress na bigyan kayo ng ayuda. ‘Yung pera panggastos, wala na ako niyan… So I’m telling the doctors, as much as I want to give in to your demands, especially in the matter of lockdown… I want it because I don’t want the contamination to continue…it’s a continuing thing,” sabi ni Pangulong Duterte.

Kinuwestiyon ni Calvio ang naturang pahayag ni Pangulong Duterte. Boladas ng mamamahayag, wala ba talagang pera ang gobyerno o wala lang daw diskarte.

“Narinig na naman natin yan kagabi kay Pangulong Duterte kaugnay ng paglaban sa Covid19.

Wala ng pera, wala pang bakuna, so wala na?

Pero batay sa website ng Asian Development Bank at sa mga news item mula sa GMA news at Rappler, nagsimula nang dumating ang ilang mga utang at tulong pinansyal mula sa World Bank, ADB at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Kabilang ang 8 bagong loan at 2 bagong grant. Bukod pa sa $2.35 B na nakuha ng ating gobyerno mula sa pagbenta ng global bonds… At kung ngang walang pera, bakit pa nagpasa ng p162 B na stimulus package para sa Bayanihan Act 2 ang Kongreso? Bago ito ipasa, inalam muna nila kung may pagkukuhanan nga na pondo ang gobyerno.

Wala bang pera o walang diskarte?” patutsada ni Clavio.

Source: Arnold Clavio | MSN | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén