Local News

‘Walang Social Distancing, Nakakatakot Tignan!’ Leni sa Opening ng Manila Bay White Sand!

Binuksan na sa publiko ang Manila Bay White Sand project at marami ang namangha sa laki ng ikinaganda ng nasabing lugar.

Pero kung marami ang natutuwa sa nangyaring pagbabago, humanap naman ng mapupuna si Vice President Leni Robredo sa aksyon na ginawa ng Duterte Government.

“Ang daming tao doon sa opening noong sa may Roxas Boulevard, iyong white sand doon sa Manila Bay, Parang nakaktakot kasi walang social distancing, talagang siksikan iynog tao,” boladas ni Robredo.

Kapansin-pansin na tila iba ang ang reaksyon ni Robredo sa kumpulan ng mga tao sa Manila Bay at sa nangyaring protesta ng mga artista at empleyado ng ABS-CBN noong Hulyo.

Magugunita na noong hindi binigyan ng prangkisa ang Kapamilya network na naging dahilang kung bakit nag-protesta ang ilang artista at mga manggagawa nito.

Sa mga nag-viral na videos at larawan, makikita na kumpulan ang mga dumalo sa nasabing kilos-protesta at mapapansin din na hindi nasunod ang social distancing. Pero walang naging komento si Robredo sa pagkukumpol-kumpolan ng mga tao sa kilos-protesta ng mga ABS-CBN employees.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: