Local News

Walang nang Takot? Mga Drug Suspects, Proud sa Pag-Pose Matapos Mahuli sa Anti-Drug Operations!

DURUGISTA NUMBER 1

Isa na namang durugista ang nag posing na parang kinukutya ang otoridad matapos ang pagkakahuli sa kanya sa isang anti-drug operation sa Brgy Sambag 1, Cebu City.

Kinilala ang suspek na si Joseph Perez Del Castillo, 32-anyos, na taga-Mandaue City. Nakuha sa durugista ang tinatayang P42,000 halaga ng sahbu. Si Castillo ay nakakulong na ngayon sa Abellana Police Station. Mahaharap ang kawatan sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

DURUGISTA NUMBER 2

Nitong mga nakaraang araw lang ay nasakote ng otoridad ang 19-anyos na si Arsley Jylle Olis Abangan sa isa ring buy-bust operation sa Brgy. Labangon, Cebu City.

Nakumpiska naman sa binatilyo ang 105 gramo ng bawal na droga nagkakahalaga ng P714,000.

Mapapansin din na imbis na magsisi at ikahiya ang kanyang kabalastugan, nag-posing pa si 19-anyos na suspek na naka-wacky face..

DURUGISTA NUMBER 3

Nasakote rin kamakailan ng mga kapulisan ang 25-anyos na si Roche Inoc nang maaresto sa anti-drug operation. Sa operasyon ng Carbon Police Station. Narekober mula sa durugista ilang pakete ng hinihinalang shabu na may nakakahalagang P61,000.

Ang tatlong suspek ay nahuli sa hiwalay na mga operasyon pero isa ang mapapansin sa kanila, lahat sila ay tila masaya at hindi alintana ang kasong kakaharapin nila.

Source: The Freeman | The Freeman | The Freeman

Leave a Reply

Theme by Anders Norén