Local News

War Crime ang Ginawa sa Namatay na NPA na Anak ng Kongresista – Renato Reyes

Para kay Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes, maaring ituring daw na war crime ang ginawa ng mga sundalo sa bangkay ng anak ni Makabayan Boc Member Congresswoman Eufemia Cullamat.

Magugunita na nasawi si Jevilyn Cullamat sa engkwentro ng militar at ng New People’s Army (NPA) kamakailan lang. Si Jevilyn ay nagsisilbing medic ng mga rebeldeng komunista. Nakuha mula sa pinangyarihan ng bakbakan ang ilang matataas na kalibre ng baril at mga subersibong dokumento ng mga rebelde.

Para kay Reyes, pambabastos daw ang pagkuha ng larawan sa labi ni Jevilyn. Gusto daw i-dehumanize ng mga sundalo ang mga rebelde upang maging katanggap-tanggap ang pagpuksa sa mga ito. Boladas pa ni Reyes, nilabag daw ng mga sundalo ang International Humanitarian Law.

Parehas din ang naging tono ng Makabayan Bloc sa pagkuha ng litrato sa labi ni Jevilyn.

“The soldiers did not only disrespect her remains but even used it like a trophy for propaganda purposes.

Jevilyn’s death is a stark reminder intead to government that people continue to embrace armed strggle because of the continuous failure to address the root causes of the rebellion in our country,” boladas ng Makabayan Bloc.

“Mariin kong kinokondena ang ginawang pambabastos at pambababoy sa labi ng aking anak. Hindi siya bagay, hindi siya isang tropeo na ipaparada para lamang sa propaganda ng militar… Hindi n’yo na ginalang ang patay, binabastos pa ninyo ang nagluluksa naming pamilya. Hinihiling ko sa militar na huwag gamiting tropeo ang bangkay nga aking anak… Bagama’t bilang isang ina ay nag-alala rin ako at masakit ang mawalan ng isang anak, nanaig pa rin ang respeto ko sa naging desisyon ni Jev,” kuda ni Cullamat.

Source: DWIZ | Archive | News5 | Sunstar | Philippine Star | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén